Miyerkules, Disyembre 12, 2012

PAALAM KAIBIGAN : 12.21.2012

HINDI MAGUGUNAW ANG MUNDO SA 12.21.2012
SUBALIT.....
Ang Mayan Calendar ay isang sistema na binuo ng mga Mayans na eksaktong nagsasabi at naglalarawan o eksaktong makapagsasabi o makapaglalarawan ng mga galaw ng mga planeta, mga buwan(moons), mga bituin kabilang na ang ating "araw"(sun)  na nasa lugar na sakop ng malaking bahagi ng kalawakan(cosmos).

Sa kasalukuyang estado ng ating teknolohiya, ay kaya naman natin na gumawa din ng ganitong sistema sa tulong ng mga super computers at mga modernong teorya at paggamit ng modernong matematika at modernong siyensya.  Ang labis na nakapagtataka sa mga Mayans ay nagawa nila ang kalendaryong ito sa panahon na wala pang teleskopyo, mga computers at mga modernong bagay bagay at mga kaalaman na maaaring gamitin sa paglikha ng gamit na may ganitong klase ng presisyon.   Hanggang sa kasalukuyan ay napakaraming pantas sa larangan ng ganitong pag-aaral and nag-aalinlangan sa mga Mayans kung sila nga ba ang talagang lumikha nito.  May mga tahasang nagsasabi na ito ay gawa at galing sa mga dayuhan ("aliens") at ibinigay lamang sa mga Mayans bilang tulong at babala na din sa mga darating na pangyayari.  May mga nagsasabi din na ito ay dala ng mga tao na may kakayahang maglakbay sa oras o panahon (time travellers).  Ang mga teoryang ito ay aking tatalakayin sa aking mga susunod na artikulo.

Sa madaling salita, ang Mayan Calendar ay kamangha-mangha sapagkat sa nasasakop nitong humigit kumulang 5 libong taon ay detalyado at may eksaktong presisyon nitong nasasabi ang galaw ng mga bawat planeta, mga buwan(moons), mga bituin, kabilang na din ang eksaktong  pagpasok ng tag-ulan, taglamig, tagtuyo, tag-init at napakarami pang mga "panahon" o mangyayari.  Hindi nga ba at talaga namang napakalaki ng naitulong nito sa pag-unlad at paglago ng sibilisasyon ng mga Mayans.  Ngunit sa kasamaang palad, ang kanilang sibilisasyon ay bigla na lamang naglaho sa ibat-ibang inaakalang kadahilanan.
TRIVIA: Alam nyo ba itinataya ng mga Mayans ang edad ng Universe(sansinukob) ng 16 bilyon taon?   Alam nyo ba na sa ngayon, ayon sa mga siyentipiko at pantas sa larangan ng Physics at Cosmology, gamit ang pinakabagong mga teknolohiya ay itinataya lamang nila ang edad ng sansinukob(Universe) ng 14.5 bilyon taon?  Parang lumalabas tuloy na mas magaling, at mas nangunguna pa sila kaysa atin sa larangan ng ganitong pag-aaral.

Sa darating na Disyembre 21, 2012 ang Mayan Calendar ay matatapos.  Ang tanong na bumabagabag sa isip ng marami ay "Ito ba ay nangangahulugan lamang ng pagtatapos ng 5 libong taong "cycle" at magsisimula na naman ng bagong 5 libong taong "cycle"...? O nakita ng mga Mayans ang pagtatapos at wakas ng buhay nating mga tao kayat wala ng kasunod pang isinulat o dugtong kakabit ng kanilang kalendaryo...?  Isa lamang ang sigurado.  Ang padating pa lamang na bagong "cycle" ay sinasalubong na agad ng mga malalakas na paglindol, tsunami, mga pagsabog ng bulkan, malalakas na bagyo, "hurricanes", at mga extreme weather conditions.  Kung baga sa sugal, medyo patapos na ang pagpapanalo nating mga tao.  Dadating na ang medyo sunod sunod na "alat"...

Ang mga tanong na ito ay napakamakabuluhan sapagkat sa 12.21.2012, ang ating buong solar system ay mag-aalinyada paayon sa gitna ng ating Milky Way Galaxy.  Halos alam na ng lahat na ang gitna ng ating Milky Way Galaxy ay isang napakalaking(very massive) blackhole.

Bilang paunawa, malaking bahagi ng puwersa na humahawak at nagpapanatili sa bawat galaxy, bawat bituin, bawat planeta, bawat buwan(moons) at lahat lahat ng mga bagay sa buong sansinukob sa kanilang mga kaukulang posisyon ay ang puwersa ng GRAVITY. Ang puwersa ng gravity ay maihahalintulad sa puwersa ng isang magnet.  Mas malaki ang magnet, mas malakas ang puwersang kayang ibigay nito(paghila)... Mas malapit sa "area" na nasasakupan ng hila ng magnet, mas malakas ang mararanasang paghila o paghatak palapit dito. Sa Disyembre 21, 2012 ang ating solar system ay poposisyon sa bahagi ng Milky Way na kung saan ang puwersa ng paghilang nagmumula sa blackhole sa gitna ng galaxy ay mas malakas kung hindi man pinakamalakas.  At ang solar system natin ay mananatili dito sa loob ng darating na humigit kumulang na limang libong taon.

Bilang isang nakakaintindi sa ganitong mga bagay, ito ay labis na nakababahala at nakakatakot.  Sapagkat ito ay nangangahulugan na ang nararanasan o naranasan nating balanse sa loob ng libo-libong taon na nagdulot at nagbunga ng pag-unlad at pagdami nating mga tao ay mawawala na.  Matatapos na sa 12.21.2012.

Nasa ibaba ang lista ng mga siguradong mangyayari pasimula sa Disyembre 21, 2012.  
(unawaing mabuti na ang mga bagay na nabanggit sa ibaba ay maaring mangyari bukas, sa isang buwan, sa isang taon, o suwertehin sana tayong lahat sa isang daang taon pa...)

* dahil sa mas malakas na paghila ng gravity na nagmumula sa blackhole sa gitna ng Milky Way, ang pag-galaw o paglalakbay ng ating buong solar system  paikot sa ating galaxy ay bibilis ng bibilis o mag-a-accelerate.  ito ay magdudulot ng mga extreme weather conditions. pinakamalalakas na mga bagyo, tornadoes, matinding tagtuyo at taglamig at marami pang hindi kaaya-ayang panahon.

* Ang malakas na paghilang mararanasan galing sa blackhole na nasa gitna ng ating Milky Way Galaxy ay labis na makaaapekto sa mga "core" ng bawat planeta kabilang ang earth at "core" ng ating araw(sun).  Sa mundo ay mas lalong lalakas at dadalas ang mga paglindol, pagputok ng mga bulkan at mga tsunami.  ito din ay magdudulot ng tinatawag na "Polar Shifting", kung saan ang magnetic north pole ay magiging south pole at ang magnetic south pole ang magiging north. Hindi kayang isulat sa pahinang ito kung gaano kadami ang mga kaletsehang idudulot nito. Pinakanakakatakot ang maaaring muling maging aktibo ang Yellow Stone National Park Super Volcano sa Amerika sapagkat ito pa lamang ay kaya nang tumapos sa buhay nating lahat.  Sa araw(sun) naman ay magiging madalas, mas malalakas at mas malalaki ang mga Coronal Mass Ejections (CMEs).  Isang beses lamang tayong mahagip o tamaan nito ay masisira na ang lahat ng electronic equipments ng buong mundo.  Masisira din ang lahat ng power grids ng buong mundo.  Ang buong mundo ay mawawalan na ng suplay ng kuryente. Walang computer o internet.  Walang komunikasyon.  Walang pabrika.  Wala lahat.

* Mabubulabog din ng malakas na paghilang ito ang asteroid belt, kung saan milyon milyong asteroids ang nananahimik.  Isa lamang dito ang tumama sa atin ay tiyak na WAKAS na.

* Mabubulabog din nito ang outer solar system kung saan daan-daang milyong space debris, mga may potensyal na maging comets ang kasalukuyang nananahimik din dahil sa "balanse".  Isa lamang sa daan-daang milyong mga ito ay sapat na para tayo mag-GUDBAY. 

* sa isang mas malalm na konsepto, ang pag-a-accelerate ng ating solar system ay maaaring makapagbago ng kasalukuyan nating normal na dinadanas na "space-time".  Ito ay maaaring makapagdulot ng isang "space-time synchronization" kung saan ang ating "space-time" ay lilebel sa "space-time" ng mga posible pang ibang nilalang sa sansinukob.  Ang ating mga dimensiyon ay magtutugma.  Magtatapat. Mag-ku-krus.  Magsasalubong.

 

TRIVIA: Alam nyo ba na ang Giza Pyramids ay ginawa libo libong taon na ang lumipas?  Alam nyo ba na ngayong 12.12.12  ang mga planetang Venus, Mercury at Saturn ay mag-aalinyada sa tuktok ng bawat pyramids..?

Makatutuwa subalit nakakatakot din dahil kung ating iisipin, ang mga Giza Pyramids pala ay ginawa libo-libong taon ang lumipas para lamang paghandaan o salubungin ang pag-aalinyada ng tatlong mga nabanggit na nga planeta.

Wala ba ni isa sa inyong lahat ang nag-iisip o nagdududa kung ano ba talaga ang "significance", o ipinahihiwatig, ang ibig sabihin, o ibinabadya ng ganitong pag-aalinyada.  Ito kaya ay nagbabadya ng isang "countdown" tungo sa isang nakakatakot o kagulat-gulat na mangyayari na hindi pa kailanman natin nasasaksihan sa ating buong buhay?  Panahon, taon, buwan, o mga araw lamang ang makapagsasabi...

Ipinapayo ko sa lahat na MAGMAHALAN, MAGTULUNGAN, MAGHANDA, MAGSAYA AT MAGPAKALIGAYA SA PILING NG MGA MAHAL SA BUHAY.  malay natin......

Maligayang Pasko at manigong Bagong Taon sa inyong lahat!  -NVM 666

*** ang mga nakasulat ay batay sa mga siyentipikong basehan.  Totoo.  Walang bali.

sa mga gusto pang dumugo ang ilong, basahin ang mga artikulo ko sa facebook email account: i_am_onestrength@yahoo.com.ph 

BAWAL ILIMBAG O PAGKAKITAAN.  COPYRIGHT. All Rights Reserved.

about the author:
Nelson VIaña Magana
Nelson VIaña Magana
born Feb. 27, 1971
7:06 am (6:66 am)
Nelson  N (6 letters)
VI (Roman 6)
aña: collection of articles/infos that describes a person
Magana M (6 letters)
NVM 666

COPYRIGHT ALL RIGHTS RESERVED

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento